Ito ay isang iconic na pagkain sa ating bansa.
Ang kare kare ay mula sa curry kung kaya tinawag noong kare kare ang curry.
Ang kare kare ay sinasabing pagkaing Kapampangan ngunit ang mga kapatid na Kapampangan ay hindi nila sinasabing sa Pampanga nagmula ang Kare Kare.
Noong 1762 ay pumanig ang Kastila sa Francia laban sa Britanya sa digmaan. Nagalit ang mga Briton sa mga Kastila at nilosob ang Pilipinas at nanaig ang mga Briton sa atin laban sa Kastila.
Ng matapos ang giyera ng Briton at Francia, ay umalis na ang mga Briton sa Filifinas noong 1764. At iniwan na nila sa bansa ang mga Sepoy o Bumbay o Indiano sa Cainta noon.
Sa Cainta nagsimulang matutunan na magluto ng kare kare mula sa Bumbay.
Ako po ay nagluluto ng kare kare sa amin sa Nueva Ecija. Old style ang luto ko sa palayok at uling. Buntot ng baka ang aking niluluto na gusto ng mga kaibigan kong mga Amerikano.
Larawan. Kare Kare, curry, buntot ng baka.